ANG KALIGTASAN BA AY ISANG SERYOSONG

ISYU PARA SA IYO?


Ang industriya ng pagkuha ng langis sa ilalim ng dagat (offshore oil industry) ay may natatanging kapaligiran sa trabaho. Ang malalaking gantimpala ay tinutumbasan ng malalaking panganib – sa negosyo at sa mga tauhan

Tinutulungan kayo ng Go Home Safe Pty Ltd na maintindihan ang inyong mga alalahanin tungkol sa kaligtasan sa panganib at bigyan ang inyong mga tauhan ng kaalamang nakakapagligtas ng buhay – sa pamamagitan ng pang-aaliw!

Sa maikling salita

Ang Go Home Safe ay isang grupo ng mga bihasang tauhan ng minahan ng langis na maalam sa mga naiibang hamon ng industriyang ito.  Nakipangkat kami sa mga propesyonal na prodyuser ng karikaturang gumagalaw (professional animation producers) upang lumikha ng isang serye ng maiikli, nakakatawa, nauugnay at napakabisang mga programa ng kabatirang pangkaligtasan.

Batay sa mga tunay na pangyayari at mga aksidente, ang seryeng ito ay magiging kapunuan at susuporta sa mga nakatatag nang mga programang pangkaligtasan sa lahat ng minahan ng langis. Ang aming mga programa ay nakakaaliw, nagtuturo, lubusang sinaliksik, at magagamit ng lahat.
Hinahangad naming tulungan kayong makamit ang isang nakakainggit na rekord ng kaligtasan upang mapanatili ng industriya ang kanyang kabuuang kinikita (bottom-line) at, pinakamahalaga sa lahat, ang bawat isa ay ‘makakauwi nang ligtas’!

Pagharap sa mga hamon

Ang mga aksidente ay maiiwasan.  Ang patuloy na pantao at pampananalaping halaga ng kamangmangan at kapabayaan ay napakalaki.

Ang pagreretiro ng mga bihasang tagapagturo at ng kanilang napakahalagang kaalaman sa industriya, kasama ng kakulangan ng mahahalagang kasanayan (skills) sa buong mundo ay nagpaparami sa mga suliranin habang maraming beteranong tauhan ay nagsisimula nang umabot sa edad ng pagreretiro

Lumalabas din ang mga suliranin sa komunikasyon na resulta ng malawakang paghahalo ng mga kultura at mga wika na kalimitang matatagpuan sa ating mga pinagtatrabahuhan.

Pinupunuan ng Go Home Safe ang mga ganitong pagkakaiba-iba.

Ang aming mga programa ay walang wika (language-free), gumagamit lamang ng sound effects. Umaasa sa pandaigdig na wika ng pagpapatawa, ang mga karikaturang gumagalaw (animations) ay hindi nagbibigay ng maling pagkakaintindi. Ang kanilang mga mensahe ay malinaw.

Tinuturuan ng Go Home Safe ang mga baguhan, at pinapaalalahanan ang mga datihan ng mga pangunahing hakbang na pangkaligtasan. Binibigyan namin ng bago at nakakatawang pang-intindi ang isang seryosong paksa upang matawag ang pansin ng mga tauhan – ang kaligtasan sa panganib ay pananagutan ng lahat.

Ang pag-uwi ng ligtas ay mabuti para sa negosyo; ngunit walang kasinghalaga para sa ating mga pamilya